Isang nakakatawa at nakakatuwang araw. Sabi ko na nga ba at magiging laughtrip ito. Kanina bago ako umalis ng bahay ay nagsusulat ako ng entry para sabihin kung gaano ako kasaya na magkikita kami ni "Spontaneous Jason" at "Bratinello Angel".. NGUNIT NAWALAN NG KURYENTE. O diba laughtrip agad?Jason and I decided to meet up around 3 pm. I told him to text me if he's on his way na so i can leave na my house. So when Jason texted me na he's on his way na, that's when i began to change clothes and get ready to go to Powerplant. We know each other too well, alam kong di totoong on his way na sya. As usual, nauna nanaman si Jason sa Starbucks... Un cab driver ko, natripan pa makipagchikahan sakin tungkol sa EVAT. At in fairness to him, napatawa rin nya ako. Pagdating ko ng Starbucks ay wala ang anino ni Jason. But noooooooooooo! Maling Starbucks ang pinuntahan nya. Argh. Sa may Starbs Powerplant sya nagpunta... therefore pinapunta ko sya sa Starbs Loft. Nakakatawa nanaman diba?
Kwentuhan ever. Gaya ng dati talagang di nanaman namin namalayan ang oras ng nagkukuwentuhan kami. Ito ay habang pinipilit este pine-pressure namin si Einj na sumama na sa Premiere night ng Legend of Zorro. Ito pa pala segue, the whole time sinasabi ko na The Mask of Zorro ang title ng flick, therefore pinahiya ko ang sarili ko. THe Legend of Zorro ito. Mabalik tayo, kwento kwento kami. Naks DATE nanaman! haha. Hanggang sa napilit na namin si Angel na sumama, pero susunduin namin siya sa China Bank. Payn. Umalis kami ng Starbs around 5:15. Maling mali kasi "uwian time" sa makatuwid, TRAFFIC ng sobra! So, matagal nanaman ang bonding moments namin ni Jeiz.
We were texting Angel.. first text sabi namin dadating na kami in 5 minutes, pero kakalabas pa lang ng cab namin sa Rockwell nun. Two minutes, nasa Jupiter pa lang kami. I know naman na alam na ni Angel un, sanay na un samin. Tapos after a few minutes, nagtext na si Einj, mejo nagb-bratinello. At, what are the chances na sabay kami ni Jeiz mauubusan ng load? you know what we did? NAKITEXT KAMI SA DRIVER NG CAB. Ayon kay Jason, "Manong patext po. Isa lang po." The MANONG DRIVER happily obliged. Ako ang nagtext kay Angel, "ANgel, phone ni manong driver ito, parating na kami, sobrang traffc lang.. hintayin mo kami sa may lobby." Tama ba na makitext sa CAB DRIVER???? Minsan lang ako mahiya, pero nahiya talaga ako. haha....
No comments:
Post a Comment