Zorrito My Love III.

Sa wakas at nakasakay na ng Cab. Napaisip ako tuloy, mabilis bang kumalat ang balita sa community ng mga cab drivers na nakiki-text kami ni Jason dahil wala kaming load? haha. Sa loob ng cab ay di parin ako binigo ng dalawa. Napatawa nanaman nila ako dahil sa kanilang mga jokes. Jason, wag ka mag-alala, funny ka parin kahit na feeling mo wala kang comic-timing. Ang adorable talaga nitong dalawang lalaking ito. Sa sobrang kakornihan nila, binuksan ni Manong Driver bigla un radyo ng cab nya. Guys, get the hint daw. Haha.

Sa wakas nakarating din sa Meralco Cheter este Theater. Napansin namin na magarbong-magarbo ang mga ilaw sa loob ng Meralco. Diba dapat nagtitipid ng kuryente? At meron isang seryosong tanong na nabuo sa aming isipan, ang Meralco Theater ba ay nagbabayad pa ng electric bill sa Meralco? Ang redundant diba? Sa dinami-dami ng mga memories na maaalala nila, ang naalala nila ay ung time na nadapa ako sa Ateneo sa harap ng mga cute guys. Thanks guys. Sabi nga ni Angel magkakaiba ang attire namin, siya ang nag-aalok ng credit card, ako ang donya at si Jason ang highschool guy. Therefore, kami ni ANgel ang mag-asawa at anak namin si Jason. Bwahahaha... happy family. Uhm, di ako handa. Nakapambahay lang ako. =P

We waited for the members of Duh Perm, Melo, Yvie and Shem... Yvie was with Nes (her bestfriend, i think) and Shem was with her highschool bestfriend (sorry i forgot her name) and the bestfriend's pamangkin. Ako? I was with my "hot dates" Angel and Jason. Naks! Hintay hintay sa lobby. PHOTO OP. I swear, we're so narcissistic,haha. Pasok sa loob, may free coffee. Great. The best way to aggravate my hyperacidity. Photo OP uli. Time for the Movie. FINALLY.

The movie was funny. Keri lang. Tawa kami ng tawa kasi andami namin kababawan na naiisip. At higit sa lahat, magandang maganda talaga un pwesto namin. Nakatagilid kami. Parang magpapakuha ng picture. Laughtrip talaga. Pero ano ang pinaka-ok na mga ideas na naisip namin? READ On.

1. Sa tingin namin, shining moment talaga ung time na NANLAKI ang MATA nun horse ni Zorro. Parang biglang naisip nun horse, "Pakshet, andami ko na nalagpasa, sa tunnel lang ako mapipisot? Damn!"

2. Sa tingin namin, ang tawagang MY LOVE ang pinakapangit na tawagan ng magkasintahan. Ito ang magiging dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan sa sobrang kakornihan ng tawagan na ito. At, naisip namin si Ruby ang Bidang Kontrabida. MY LOVE ang tawagan nla ni Hector diba? Nakakadiri talaga. Therefore, MY LOVE na ang tawagan namin ni Angel at Jason.

3. Sa tingin namin, dapat na ituro sa mga tao na if by any chance ay may parating na train at nakaharang sila dun... TUMABI AT WAG MAG-PANIC lalong wag ugaliin na nanagpapaikot ikot dun lang sa spot na tatamaan ng train. Wag din tumunganga. Wag din i-try magpahabol sa train. Argh. Kasi kahit gaano ka kabilis tumakbo, mahahabol ka ng train.

4. Sa tingin namin ay dapat na basagan na ang anak ni Zorro na ZORRITO. O diba? Sosyal n sosyal. Kaano-ano nya si Zorrito Solis? E si Ana Zorrito Diaz? =P Nung narinig ko itong Zorrito, forever na ko tumatawa. Tapos parang naririnig ko na Zorrito! (tono ni Pepe) haha.
After the flick ay kinailangan na naming magkanya-kanya ng landas. Si Angel ay may sundo. Kami ni Jason at Mel ay sumakay kay Shem. Nauna na rin sila Yvie. Hinatid si Mel sa condo. Balik Makati. Balik ng realidad. Oooh btw, we passed by Capone's. LITERAL. Shem drove to Valero st. and we passed by Capone's. Ang creepy no? Para kaming stalker. haha.

Wawa naman ang aking "ka-date" na si Jason so we passed by Starbucks to get something to eat, i know he's starving. Dapat nga Goodearth, pero close na. We stayed there for a while. Kwentuhan nanaman. Kinakabahan nga pala sya dahil sa grades nya. Aww, im sure you'll do great sweetie. Ako nga rin kabado e. Pero kaya natin ito. Tapos we went home na. Sobrang sulit ng araw na ito. Ang saya-saya.
-----------------------
Btw, thanks to Jots for the "pseudo-pasalubong"... Ang sarap nun mga durian candies na galing Zamboanga dahil sa mom mo na galing sayo na galing ng La Union. Pag gising ko kaninang umaga, un ang nilantakan ko kasi na-depress ako na mag-isa lang ako sa bahay. Kelangan ko tuloy ng matamis. Nakatulong ka.. hehe.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...