Makata sa Makati

Sa aking palagay, kung meron mang tamang panahon para tanungin ako kung gusto ko na makilala pa natin mabuti ang isa't-isa, ngayon na un. Sa tingin ko, hindi na tama na hanggang ngayon, pareho parin tayong naninimbang sa mga pangyayari. Kung ako ang masusunod, matagal ko na nilinaw ang lahat ng mga bagay-bagay na malabo. Pero malakas lang ang loob ko kasi blog ko ito. At kahit paminsan-minsan napapadpad ka dito at kahit paminsan-minsan ay alam ko na nababasa mo ang mga sikreto ko, masaya parin ako. Hindi dahil pinapahiya ko ang sarili ko kundi dahil gusto ko na maramdaman uli ang lakas ng loob na nagtutulak sa akin para maisakatuparan ang lahat ng ito.

Inaamin ko na. Gusto kita. Gusto na kita. Kumilos ka. Malapit na matapos ang storya natin.

Sa tingin mo ba nakakatulong na pabugso-bugso ang mga galaw mo? Siguro nga. Pero kung alam mo ang ginagawa mo, alam mo rin na kailangan mo lang magsalita. Kahit gaano kakomplikado. Kahit gaano ka natatakot. Takot din ako, pero handa ako matakot ng kasama ka.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...