Bakit di ka nag-aaral e alam mo naman na dapat nag-aaral ka?
Bakit ka online e alam mo naman na may mas importante ka dapat gawin?
Bakit ka nanginginig sa kaba e nasa harap ka lang naman ng PC at wala naman nakakakita sa lahat ng mga bagay, lahat ng mga emosyon at lahat ng mga pagtaas ng kilay na ginagawa mo habang sinusulat mo ito?
Bakit ang dami mo tanong? Bakit walang sumasagot?
Bakit tuloy tuloy lang ang pagt-type mo e wala ka naman sasabihin?
Bakit sa tingin mo ay nawawalan na ng magandang katapusan ang storya na akala mo ay ikaw ang lumikha?
Bakit nararamdaman mo na mayamaya lang ay iiyak ka nanaman kahit na meron ka mga pabugso-bugsong kasiyahan na nararamdaman?
Bakit ba ginawa ang salitang bakit kung di naman masusundan agad ng dahil?
Bakit di mo aminin na nalilito ka na?
Bakit di ka na lang tumigil at ipaalala sa sarili mo na napagdaanan mo na ito?
Bakit kelangan mangyari nanaman lahat tulad ng dati?
Bakit masyado na predictable ang buhay ko?
Bakit di ako makawala sa sirkulo na ito?
Bakit ang bakit di pwedeng maging OO na lang. o kaya HINDI na lang. O kaya WALA lang.
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
No comments:
Post a Comment