Annamitzie and i are going through the same dilemma... Are they interested or not? Are we just friends or more? Ayoko talaga nitong stage na ito. Gusto ko malinaw ang lahat. Isang malaking trauma sa akin ang mga anino ng nakaraan na humahabol sa akin. Argh.
Di ko alam kung bakit ganito un feeling ko. Naiisip ko tuloy, baka bobo talaga ako, akala ko lang matalino ako. Nawawalan na ako ng pag-asa na i can still make it to next sem. Kagabi, nandun lang ako sa room ko, iniimagine ko na natanggal na ako sa law school, tapos naiyak na lang ako basta. Mixed signals. Gusto ko sa law school pero parang ayaw ng law school sa akin.
Bakit ambilis naman bawiin un kasiyahan? Ok na sana un recit grades ko sa Stat Con, sabay un midterms ko sablay. Un Leg Res, di ako nangopya. Ayun. malamang ako ang lowest dun. Masaya nag-umpisa itong araw na ito eh, natawag ako sa Consti, nakasagot naman ako. Pero muntik na syang natapos na depressed ako ng sobra. Muntik. Magulo talaga.
Buti na lang nakausap ko ang aking mga minamahal na katuwang sa law school. Sabi nga ni Sannet, dapat meron kaming naka-sched na one hour na iiyak lang kami. Tapos napag-usapan namin bigla na nahihirapan ako umiyak sa harap ng maraming tao, kaya di ako pwedeng maging artista tapos si Sannet di raw maganda un ngiti nya kaya di sya pwede mag-model. Un kay Shem un pinaka-OP sa mga naisip namin na propesyon, sabi nya di raw sya pwede maging doktor kasi takot sya sa dugo. Ngii. Ayun na. Sobrang gulo.
Di talaga dapat ako kakain. Kasi uhmm, tinatamad ako. Pero isang mapilit na nilalang si Jots. Actually di naman mapilit, nakakaguilty lang na "nalipasan" na raw sya ng gutom. Eh since i needed to take my mind away from law school kahit for a few minutes, ayun sumama na rin ako. So kumain kami kasama si Dara sa KFC. Taga-taguig din pala si Dara, at least may nakakarelate na sa mga Taguig kwentos ko. Ok naman, ang mali lang, suot ko un aking ULTIMATE TARAY shoes, therefore... BLISTERS ang katapat. Pagdating ko sa KFC i was sweating like hell, dyahe. Kasi naman mag all black eh. Pag labas namin, umuulan. Great, just great. Pero i enjoyed it naman. Kahit na ang dugyot ko na pagbalik ng Starbs. hehe. At hanggang ngayon ay masakit ang mga paltos.
Pagbalik ng Starbs, nandun pa sila Ana, Kiboy at Melo.. "Aral" time. Nadamay pa sa aral time itong si Jots. Kaya im wishin him goodluck (again) para sa kanyang exam later. Isang malaking malaking SALAMAT .. for the UP stickers, the Ride at ang iyong pang-aaliw nung inabandona na tayo ni Ana. Wag kang mawalan ng pag-asa sa "PAGHIHINTAY", dadating din un. (winks)
Di naman ako nalulungkot na ng sobra as of the moment, lalo na't kakapanood ko lang ng Love Actually. Pero napapaisip parin ako kung ano na mangyayari sa akin in the near future. Di ko na yata kaya.
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
No comments:
Post a Comment