Euns: Oo nga eh, mahirap talaga pag walang closure.
Den: Closure? [starts singing] The CLOSURE i get to you...
[may natira pang tiramisu sa harapan namin]
Colleen: Ano ba, nagkahiyaan pa. Kainin nyo na yan.
Patring: Ah... kaya pala TIRA-misu.
[habangnag-uusap sila tungkol sa GYM]
Sep: Feeling ko nga un atay ko un lumalaki e.
Den: ATAY tayo jan.
Story:
Naglalakad si Pam at Elliot ng may marinig silang tila mga hakbang sa kanilang likuran. Nang kanila itong lingunin ay walang tao. Pinagpatuloy ang paglalakad subalit pinukaw ang kanilang gunita ng tunog ng mas malapit na mga hakbang. Nagkatinginan ang magkaibigan, walang salita salita ay ginawa nila ang nararapat. TUMAKBO sila ng ubod ng tulin.
Ang masaklap, totoong storya ito. Tumakbo sila. Parang Amazing Race slash Shake, Rattle and Roll ang drama. Un na.
Ang aking comment, "Elliot, no matter how fast you run... kung multo un, walang silbi ito."
Euns: I should go on a blind date.
Den: Naggaganon ka?
Euns: Oo, un date with a blind?
Den: Korni. [na walang credibility, di ako nasaktan dahil i know better : see previous conversations]
May isa nanamang cute na bata, Carlo and I were talking about his brother who's into the arts and he told me that he once made a horror short flick starring one of his pamangkins... When the younger pamangkin saw his brother got ran over by a vehicle, may cute syang ginawa... He went to his uncle and said, "Bakit mo sinagasaan si Kuya?" At nagalit sya. Un na. Kids are adorable. TOTALLY.
Colleen: ise-set up kita ng blind date.
Patring: Unang tanong... tao ba yan?
Colleen: Oo naman.
Euns: Gwapo?
COlleen: Wala akong kaibigan na pangit.
Patring: Ano ba kayo, the heart sees beyond the face.
Euns and Colleen: [blank stare]
Prof: [blah blah blah] liquefy... liquidate.
Euns: [whispers] parang juice lang a.
Patty: Bume-blender.
Euns: [does the blender motion]
Yesterday, I was in my pambahay look whom I had an issue with my mom over.
Mom: Anak, baka makalimutan mo magpalit ng pants paglabas mo ganyan itsura mo.
Euns: Ma, ito na isusuot ko.
Mom: Ha? Ang sagwa. Papapasukin ka ba dun?
Euns: Pwede mag-casual.
Mom: Anak, di yan casual... sporty yan.
Euns: [inis look]
Mom: Sige, dalin mo na lang ID mo, baka di sila maniwala na estudyante ka dun.
[pagdating ko ng classroom for the PIL meeting]
Patty: Ayun na, shumo-shorts. [announces to everyone]
At nang gabi na, para lang ma-emphasize ang kamalasan ko. UMULAN PO. Twice. Un second, gabi na at malakas sya ng sobra. There. So much for being in the mood for summer.
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
Hahaha. I remember that "shumo-shorts" outfit -- and some of the conversations abovementioned! ;)
ReplyDelete