PAGOD

Pagod na ako magsulat. Pagod na ako gumawa ng tula, ng talata, ng sanaysay at ng kwentong puro patungkol lamang sa pagmamahal at kawalan nito. Sa pagdaan ng mga araw, dahan-dahang natutunaw and yelo na pumipigil sa pagkaagnas ng aking puso sa kalungkutan. Kung minsan ay hindi lamang pagod kundi pagkamuhing nanunuot na sanhi ng mga paglalaro na nangyayari sa aking buhay na sawa na sa paglalaro. Ang babaeng masaya sa paningin ng marami ay madalas nais na lamang mapag-isa upang pagnilayan ang realidad sa kanyang mga agam-agam na pinagtitimpi ng ilusyon.

Masayang mabalot ng mahika, ng ilusyon at ng lahat ng bagay na di naman talaga tunay na nanatili, masayang maniwala sa mga konsepto na nangangako ng kaligayahan. Subalit hindi sa habang panahon ay magagawa nating manatili sa mundong nababalot ng maliliwanag at makukulay na kasinungalingan na nilikha natin. Hindi tayo hanggang kamatayan na mapoprotektahan ng magagandang alaala sapagkat ang buhay ay patuloy lamang na tumatakbo kahit gaano katindi pa ang kagustuhan na pigilin ito.

Pagod na akong magsulat, subalit ito na lamang ang aking nakikitang paraan upang mapabagal ko ang pagkapagod ng aking buong pagkatao. Ang pagod ay isang estado lamang ng utak na maaaaring kontrolin ng puso. Wag sanang dumating ang panahon na ang puso ko naman ang mapagod, at tanging LUHA na lamang ang magsisilbing tinta sa aking pagsulat ng storya ng aking buhay.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...