... at ako.

Sana.

Kung alam mo lang kung gaano kahaba ang oras na ginugugol ko sa pag-iisip sa'yo, tatanungin mo rin ako kung paano ko nagagawang tapusin ang mga bagay na kailangan ko gawin. Sa mga panahon na nakikita ko ang sarili kong tulala, malalim na iniintindi kung bakit sa dinami-rami ng mga pangyayari na pwede ko pagtuunan ng pansin ay tanging ikaw ang pumupuno sa utak kong tuliro. Wala akong ibang pinipiling gawin kundi ngumiti na lamang, kalakip ang pag-asa na kahit kalahati lamang ay mapatulala ka din.

Sa pag-aanalisa ng bawat minuto na nariyan ka, sa pagbabalik-tanaw sa mga masasayang sandali na lingid sa iyong kaalaman ay nakapagpatibok ng aking pusong muntik nang tumigil nang dahil sa kalungkutan... walang ibang masambit kundi salita ng pasasalamat.

Hindi lingid sa mababaw at mapusok na kaalaman ng aking pagkatao na maaring ni minsan ay hindi sumagi sa iyong isipan kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng pana ni Kupido sa aking puso. Sa bawat araw na nagdaraan ay nananatili lamang akong isang pamilyar na mukhang dumadaan sa iyong magulong mundo.

Ngunit pinili kita, pinili ko ito sa lahat ng alternatibong sitwasyon na maaring ilagay ko ang aking sarili. Pinili kong tahakin ang landas na puno ng tinik sa halip na mga rosas sapagkat alam kong may posibilidad na ang naghihintay sa dulo nito ay ikaw.

Pinili kita... at ako... Sana, kung di man sa kasalukuyan ay piliin mo din, sa hinaharap gaano man kalapit o kalayo.

Hindi ako habambuhay na maghihintay, ngunit matagal pa bago ako'y tuluyang sumuko, bago ikaw ay aking isuko. Kasingtagal pa ng oras na gugugulin ng aking nananaghoy na puso para matutunan nitong tapusin ang pagtibok na sa ngayon ay nakasalalay... SA IYO.

1 comment:

  1. seksing yunis! gosh your post... its sooo deep, i cant swim!

    ps. link kita ha.

    ReplyDelete

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...