Pakshet Kilig Moment

design by dre martinez, buy a cute shirt now, visit his site.. http://dremartinez.multiply.com

Parang matagal na nung huli akong kinilig. Hindi ung pademure na kilig, ito ung pakshet-kinikilg ako na klase ng kilig. Di un tipo na mapapangiti ka lang, mapapailing tapos wala na. Ito ung kakiligan na nakakaihi, nakakapagpapawis, nakakabaliw, nakaka-L...ambot ng tuhod. Ung kakiligan na alam mong may basehan. Un kakiligan na di galing sa pagpapantasya mo sa isang lalaki sa TV o sa pelikula.. ito un pagkakilig na nararamdaman mo pag inakbayan ka na sa sinehan, paghinawakan na ang kamay mo, pag hinahawi na un buhok sa mukha mo, pag inaalalayan ka sa laglalakad, un binibigyan ka ng bulaklak, un tinatanong ka kung-- kumain ka na, ano kinain mo, bakit ka kumain, may pambili ka pa ba ng pagkain, gusto mo ba sya kainin este gusto mo ba kumain kasama nya -, kapag pinapakilala ka na sa magulang, kapag hinahatid ka na sa bahay, kapag gumagawa na sya ng mga- tula, sulat, kanta, work of art, website - para sayo. Ito ung pagkakilig na nakakapagpabilis ng tibok ng puso mo. Ito un kilig na nakamamatay.

Nakamamatay pala e. Delikado. Pero gusto ko parin kiligin. Mabuti na mamatay sa kakiligan kesa mamatay sa depresyon diba? Minsan talaga kelangan natin makaramdam ng PKM. "pakshet kilig moments".

-------------
ito ay kasama ng TNP (Tunay na Pag-ibig) ni Paolo Manalo
TNP (Tsinelas na Pangmatagalan ni PEPE)
TNM (Tawa ng Malakas)
at ng kung anu-ano pang acronym na ginagawa ng mga taong tamad.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...