Hay naku Kiboy, maling-mali itong naging usapan natin kanina. Napatahimik ako, napaisip at nalungkot. May nakita nanaman akong dahilan kung bakit ako ay nananatiling hirap sa paghahanap ng aking "mahiwagang tsinelas". Ang pagkamusta mo sa akin at kay SBL ay parang isang malakas na sampal sakin. Ang sagot ko sayo ay, "Ok naman. Wala. Friends."
Tapos tinanong mo, "Anong nangyari? Parang nandun na kayo sa stage na un e. Bakit wala?"
At sabi ko naman, "Wala e. Wala namang nangyayari."
Medyo lumaki ang iyong mata sabay sinabi, "Bakit, ano ba ang gusto mong mangyari?"
"Wala naman. Di ko alam. Wala naman talaga yatang dapat mangyari..." Ang mahina kong sagot.
"Di mo pala alam ang gusto mo e. Talagang di kayo uusad nyan." Pabigla mong nasabi.
Tameme ako. Ako ba dapat ang nagdidikta nun? Akala ko kasi dapat naghihintay lang ako e. Napaisip ako tuloy. Naghihintay din ba sya sakin? Anong nga bang "stage" na kami? Wala naman yata talaga. Halos araw-araw naman nakikita ko sya, halos araw-araw naman may interaksyon kami. Pero natatakot ako na parang araw-araw gusto ko na may bagong maisusulat ako sa storya namin. Kaya lang parang tumigil na. Di ko na nararamdaman na tulad parin ng dati at may espesyal akong bahagi sa buhay nya. Parang di na nya ko kelangan. Parang maayos na naman ang buhay nya na walang pampagulo na kagaya ko.
"Tapos na nga ba talaga?" Ika nga ni Shem. Ayaw nya kasi maniwala. Isa kasi sya sa nanatiling positibo ang pananaw tungkol sa mga bagay-bagay. Pero kasi, kahit na madalas parin magtama ang mga mata namin, kahit na nakikita ko parin sya na nakatingin habang akala nya ay nakatutok ang aking atensyon sa ibang bagay, kahit na patuloy ko parin inoobserbahan ang mga kilos nya, nararamdaman ko na parang unti-unti na kami lumalayo sa isa't-isa. Ayoko pero nangyayari. Di ko alam kung ayaw din nya pero siguro nga tuloy-tuloy nang mananatili na di okupado ang silya sa aking harapan. Nakikita ko parin ang ngiti nya, pero di na ito katulad ng ngiti na nakukuha ko habang pinapanood ko syang kumain o mag-aral o magsalita.
Natahimik ako. Tahimik na din yata sya.
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
No comments:
Post a Comment