“The grass is always greener on the other side…” Totoo nga naman. Habang ang mga hindi masyadong “gifted” na mga kababaihan ay nagdadasal para biglang magsitubuan ang kanilang mga dibdib at habang ang karamihan ay gumagastos ng malaki para lang magpadagdag, ito ako at napapaisip sa kung ano ba ang magandang naidulot sa akin ng aking mga malulusog at mabibilog na hinaharap.
Mababaw na kung mababaw, pero aminin man ng iba o hindi, ang pagiging “gifted” o voluptuous ay may mga downsides. Hindi ko naman sinasabi na ayoko sa “kanila” (tinuturing ko sila na mga kapatid ko..) pero nagiging malaki rin silang pabigat sa aking pangaraw-araw na buhay, literal man o hindi. Ito ang ilan sa aking mga reklamo…
Kapag malaki ang boobs mo…
1. Nagiging malaswa ang kahit anong isuot mo, mapa-simpleng t-shirt man ito o peasant blouse. Talagang nakakadismaya ito sapagkat ang simplent spaghetti strap shirt na maganda namang tignan sa kapatid mo ay nagmimistulang kasuotan na naghahatid kasalanan kapag ikaw na ang may suot. In other words, isa kang malaking temptasyon.
2. Madalas sa hindi, naa-attract mo ang mga lalaking ayaw mo naman maattract, namely mga jeepney drivers, barker, konduktor, tambay sa kanto, manyakis na mga lalaki sa Bar etc. At ang totoo nito ay imbes na maging flattered ka ay nalo-low self esteem ka dahil feeling mo ay ang cheap mo na.
3. May mga pangarap na hindi mo na pwedeng matupad tulad ng pagiging isang mahusay na Ballerina, figure skater o gymnast o maging miyembro ng PEP Squad, unless puro split lang ang gagawin mo at hindi ko kailangan magtatalon. Dahil kung hindi, malamang ay tagtag na tagtag ang pakiramdam pagkatapos ng mga activity sa sports na nabanggit.
4. Hindi mo pwedeng bilhin ang mga magagandang bra na nakikita mo sa Genevieve Gozum sapagkat 1/3 lng ng boobs mo ang kasya dito at malamang sa hindi ay maghe-hello siya pag naging magalaw ka.
5. Mas malaki ang chance na maging kuba ka dahil sa bigat ng iyong dinadala.
6. Iniisip ng ibang tao na kaya ka niligawan ng kasama mong lalaki ay dahil natutuwa siya sa iyong “gift” o kaya naman ay iniisip ng mga hindi masyadong nakakakilala sa’yo na kaya mas maraming attracted sa’yo ay hindi dahil sa personality mo kundi sa boobs mo. (gaya nga ng sinabi ni Joyce Jimenez sa Narinig mo nb ang L8st,”My brain is bigger than my boobs”.. in other words, henyo ako.. harharhar!)
7. Madalas kang maging center of attraction lalo na kung nagkakakuwentuhan at malamang sa hindi ay nagiging katatawanan pa ang iyong mga mammary glands.
8. Hindi ka maaring matulog ng nakadapa unless naghahanap ka ng breast cancer. DI ka rin pede matulog sa klase sapagkat ang iyong boobs ay sasabit sa desk ng chair mo.
9. Awkward ang pakiramdam kahit na simpleng hug lang ang ibigay mo, lalo na kung sa opposite sex.
10. Last but not the least, lagi kang tatanungin ng kapwa mo babae kung totoo ba ang boobs mo at kung ano ang kinakain mo nung “growing up” years mo at lumaki yan ng ganyan… (mahilig ako sa patatas.. ewan ko lang kung naging factor un..)
Marami pa sana ako sasabihin pero ito na lang muna. Sa kabila ng lahat ng mga reklamo ko, masasabi kong masuwerte parin ako, at kung mabibigyan ako ng pagakataon na pumili between having big breasts and not, I’ll still choose to have it. Aba, kung flat-chested ako, then it would be a different story altogether…
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
hehehe... sobrang naka-relate ako sa entry mo :p
ReplyDeletethis is jennie_bebe pala. i saw your blog address at the rt forums. :) have a great week ahead!
hehehe... sobrang naka-relate ako sa entry mo :p
ReplyDeletethis is jennie_bebe pala. i saw your blog address at the rt forums. :) have a great week ahead!
may downside pala.. hahah hmmm.. for me its better to have big boobs. the bigger the better ^_^ mas yummy kaya un.
ReplyDeleteidagdag mo pa ito: mahirap bumili ng clothes pag malaki boobs mo. i for one have big boobs. imbes na medium lang ang size na binibili ko minsan kailangan XL pa. nakakainis no? sige. yun lang.
ReplyDelete