Carl’s Jr. SM Megamall 4:30 pm : I fear for you… Paulit-ulit na sinasabi sakin yan ng kaibigan ko tuwing magkasama kami. Tama naman siya, kahit ako natatakot ako para sa sarili ko, kasi gaya ng dati pumapasok nanaman ako sa isang sitwasyon na malamang sa hindi, ako nanaman ang talo. Pucha naman kasi, kung bakit sa dinami-rami ng pwedeng mahalin, bakit siya pa… Bakit ang “best friend” ko pa.
Pagmumuni-muni sa Kuwarto ko, 11 pm : Aminin na natin, hindi naman ako lang ang may dilemang ganito. Sa pananaw ko nga, ang dapat sisihin sa problema ko ay ang nagsabi na “Friendship is the foundation of Love.” Alam ko marami makakarelate kasi nga naman ang pagpapanggap madalas nangyayari sa mga magkakaibigan daw(?) na hindi na mapaghiwalay.
Ganito ang sitwasyon. Magkakilala na kami kinder 1 pa lang, sa totoo lang para siyang rabbit. Ang laki kaya ng ngipin nya, kaya ang tukso sa kanya Bugs Bunny e. Hindi kami close nun elementary pa kami, pero siya ang kauna-unahang lalaki na niyakap ko sa harap ng maraming tao. Kami kasi magkapartner sa isang skit naming noong grade five. Sa pagkakatanda ko, crush nya un isa naming friend, mala-diyosa un talagang lahat nagkakandarapa sa kanya. Hindi naman ako affected kasi may crush din naman akong iba nun no. Nung highschool, nagsimula kami mag-bonding, pero may girlfriend sya nun. Sabay pa nga kami nag-UPCAT, sabi pa nya ang dali lang daw, pero wag ka, ako ang pumasa at siya hindi. Hahaha.. pero di yun ang isyu, Nag-break sila nun gf nya, at talaga naming nagalit ako dun sa babae dahil isa syang salawahan pero cmpre, bilang kaibigan lang un. Tapos nun debut ko, kami nanaman ang magkasama namigay ng imbitasyon, akala nga nung iba kami na, pero gaya nga ng dati, paulit-ulit ko cnasabi na magkaibigan lang kami. Nun mismong araw ng debut ko, after ng party, magkadikit nanaman kami. Nagsisiksikan sa isang upuan at magkayakap, pero akap kaibigan lang un. Pagkatapos ng debut ko, madalas na siya tumawag, nanood kami ng sine, kumain sa labas pero bilang mag-best friends. Tapos, bigla siya nawala.
Bakit ako naging affected eh bestfriend ko lang sya? Kasi nga, di ko na namalayan, nain-love na pala ako sa kanya. Kung gaano kami ka-close nun buong summer, ganun naman kami ka-cold nun nagkaron ng pasok. Ginawa ko ang lahat para maka-move on, para ipakita sa sarili ko na magkaibigan lang talaga kami. Pagkatapos ng isang taon, summer nanaman. Sinabi ko na sa sarili ko na di ko na papayagan na masaktan nanaman ako...
Pagmomotmot sa Oz Café kasama ang barkada 4:30 pm: I fear for myself... Tumawag siya, I had to sound cheerful, kasi ayoko naman mapahiya. Kinukuwento niya na nasaktan nanaman siya, na may minahal siya kaya siya nawala. Tapos tinatanong niya kung bakit raw parang wala ako sa mood makipag-usap. Ano gagawin ko? E habang nagpapanggap ako na masaya ang tono ng boses ko, tumutulo naman ang luha ko, kasi kahit isang buong taon ko pinaghandaan ang muli naming pag-uusap, isang salita lang nya handa nanaman ako masaktan ulit.
Sa MRT, nakikinig sa Radio ng 6510: Di na nga natuto... Tama, bagay nga sakin yan. Kung bakit naman kasi walang course para patigasin ang puso. Kung ako na Lang Sana… Tama nanaman. Kasi hindi na sya nadala sa kaka-date ng iba, tapos pag nasaktan tsaka lang ako naaalala. Pucha talaga.
Sa harap ng PC ko : Marami talagang mga mapagpanggap sa mundo eh. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa itong pagkakaibigan namin. Gusto ko na sana sabihin sa kanya, pero cmpre natatakot ako. E kung bigla nya ko pagtawanan? Sige, magpapanggap na lang ako. Di bale na maubos luha ko kakaiyak, kung hindi man maging kami balang-araw, wala na ko pakialam. Kailangan ko na matulog, manood pa kami ng sine ng bestfriend ko bukas...
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
No comments:
Post a Comment