Halik ng Diwata

Hindi ko na maalala kung paano ang maramdaman ka. Nananaghoy ako di tulad ng isang umiibig na naghihintay sa kanyang sinta kundi tulad ng pangungulila ng langit sa mga tala na kinukubli ng mga dumadaang mga ulap.

Ang paglisan mo ay nag-iwan ng mga agam-agam. Ni ang aking alaala ay hindi maibigay ang damdamin na pumuno sa akin ng naryan ka pa. Hindi ka isang alaala, hindi ka isang gunita... ikaw ay tila halik ng diwata na nag-iiwan ng maraming mga tanong ukol sa katotohanan at mahika.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...