"Di mo pa ako binabati!!!! Ang kaisa-isa mong text message sakin ay... "Wru?"!" -Ces PalKaya naman ang blog entry ay inaalay ko sa kanya.
Kung meron tao na mas nakasama ko pa kaysa sa pamilya ko ngayong taon na'to... si Ces un.
Kung tatanungin ako kung sino ang best sa parallel parking... si Ces un.
Kung may pinaka-supportive sakin sa love life ko at sa iba't iba pang bagay... si Ces un.
Kung may tao akong gugustuhin na maunang magka-love life sakin... si Ces un.
Kung gagawin ko uli ang Chicken Dance at tatanungin ako kung sino ang partner ko.. si Ces un.
Kung merong taong sobrang lakas ang convincing power... si Ces un.
Kung pipilitin ako ng kahit sino na bumalik ng Galera ng walang boyfriend di talaga pwede... dahil kay Ces un. [inside joke]
Kung kinakailangan ko man mag-damage control ngayon... si Ces [at patty] un.
Kung mayroong taong gugustuhin ko na magsuot ng penguin costume... si Ces un.
Kung babalik man ako ng Alchemy at magsasayaw ulit... si Ces lang magpapabalik sakin dun.
Kung may taong masipag na maghatid sakin sa bahay ko... si Ces un.
Pero kung may magtatanong sakin kung bakit nasa Coco Cabana ako ng 8 hours... si CES parin un.
At kung may magtatanong kung sino ang pinaka-magandang tao [inside and out] na nag-birthday ng JULY 7.... SI CES UN.
Happy Birthday Batchy... I want you to be happy... I REALLY DO.
Let's go DL! =P
No comments:
Post a Comment