APO HIKING SOCIETY FEVER!

Kabilugan ng Buwan
Kapanahunan na naman ng paglalambingan
At kasama kitang mamasyal sa kung saan
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan
Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag.
Pagmamahalan na naman ang mararanasan
Sa sariling mundong tayo lang ang may alam
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan
Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag.

Chorus:
Halina’t pakinggan ang awit na dala ng pag-ibig
Masaya ang mundo pag kapiling kitang ganito
Huwag kang hihiwalay at ang puso ko ay maligaya
Lapit na, o lapit pa.
Repeat 2nd Verse
Repeat Chorus
Repeat 1st verse
Aakapin kita, mahal ko, sa buong magdamag
Aakapin kita, mahal ko, sa buong magdamag.

PAANO
Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa’yo
Paano mo maramdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika’y masasaktan
Pangako ko ang puso mo’y hindi pakakawalan
Paano mo maiintindihan na ako’y nananabik
Kelan ko kaya madarama ang tamis ng iyong halik
Kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal
Sana nama’y pagbigyan mo hiling ng puso ko
[chorus]
Subukan mong magmahal o giliw ko
Kakaibang ligaya ang matatamo
Ang magmahal ng iba’y di ko gagawin
Pagka’t ikaw lang tanging sasambahin
‘Wag ka ng mangangamba
Pag-ibig koy ikaw wala ng iba
Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sayo
Paano mo maramdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika’y masasaktan
Pangako ko ang puso mo’y hindi pakakawalan
[repeat chorus 2x]
Subukan mong magmahal o giliw ko
Kakaibang ligaya ang matatamo
Ang magmahal ng iba’y di ko gagawin
Pagka’t ikaw lang tanging sasambahin

----------
image from POSTSECRET

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...