SI ANA at HAZEL may ITLOG.

Yes, you read it right. Si Ana at Hazel may itlog. Si Hazel ang naunang magka-itlog kay Ana. Nakuha nya un sa 7 Eleven, nung umulan. Pagbalik namin sa Starbucks dala na nya un itlog nya. Nauna sya ng mga ilang araw. Pinagpaliban ko lang ang pagbabalita na may KALAHATING DOSENANG ITLOG si Hazel dahil hinintay ko na magkaron din ng itlog si Ana nun Monday. Sinabihan namin sya magdala ng itlog as a joke din. Para lang matawa naman kami. Ganun talaga sa law school... kanya-kanyang paraan lang para maging masaya.


Re:MGA ITLOG NI HAZEL Bukod sa kalahating dosena ang mapuputi at maliliit na itlog ni hazel, pagdating namin sa Starbucks ay tinago nya ito. Ikinahihiya ni Hazel ang itlog nya. Pero at one point, bumakat parin ang itlog nya. Sabi namin sa kanya, "Hazel, bakat ang itlog mo. Alagaan mo naman..." Buong gabi namin sya sinermonan tungkol sa itlog nya.

Re: ITLOG NI ANA Pero si Ana ISA lang ang itlog. Kabaligtaran ni Hazel dahil alagang-alaga ni Ana ang itlog nya. Hawak-hawak nya ito buong araw. Malaki din ang itlog nya. Pinatago nya sakin sandali un itlog nya. At gusto nya ipa-kiss kay Kiboy un itlog nya. Oh well.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...