7 Things You'll Learn only in UP by Ryan Cayabyab

1. Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan.

2. U.P. lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasasaiyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo.


3. Sa IKOT, pwede kang magkamali ng baba kahit ilang beses, sasakay ka lang uli. Sa buhay, kapag paikot-ikot ka na at laging mali pa rin ang iyong baba, naku, may sayad ka.


4. Sa U.P., lahat tayo magaling. Aminin nating lahat na tayo'y magagaling. Ang problema dun,
lahat tayo magaling!


5. Kung sa U.P. ay sipsip ka na, siguradong paglabas mo, sipsip ka pa rin.


6. Sa U.P., tulad sa buhay, ang babae at ang lalake, at lahat ng nasa gitna, ay patas, walang
pinagkaiba sa dunong, sa talino, sa pagmamalasakit, sa kalawakan ng isipan, sa pag-
iibigan; at kahit na rin sa kabaliwan, sa kalokohan at sa katarantaduhan.

At ang panghuli:


7. Sa U.P. tulad sa buhay, bawal ang overstaying.


*by Prof. Ryan Cayabyab
from Commencement speech given on April 24,
2005 before the Class of 2005, UP Diliman,
Quezon City

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...