Ang Init!

Ang init
Kay lagkit ko na,
‘sing lagkit ng pagtitig
ng mamang nanlilimahid
na nasa aking harapan.

Ang init.
Basang-basa na ko.
Tulad ng aleng
may akap ng sanggol
na nagtutulo ng laway..

Ang init.
Ako’y init na init,
Parang yung drayber
Na nakikipagtalo
Sa barker na palalo.

Ang init.
Tayo’y nag-iinit.
Parang ang mga labi
Ng magkasintahang
Nagniniig.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...