Ngayong araw na'to ay ang araw na tumapak ako sa lupa ng Supreme Court para pirmahan ang isang bagay na dapat naman sanang napirmahan. Bakit maling-mali?
Unang una sa lahat, di ko kasalanan na walang pirma ang verification ko, dahil ang papel na nabigay sa akin ay PUTOL. Putol sa part na may nakalagay na blanko at naka-type na Affiant sa baba. Grabe. Ako lang talaga e no? Sa buhay ko lang talaga?
Pangalawa, at mas mahalaga... Kanino pa ba nangyayari ito. Kasi usually, sa MRT may special train for Children, Women and Senior Citizens.. so di ko alam na sa LRT ang special train ay para sa ibang category.. KIDS, Senior Citizens and PREGNANT WOMEN. Soooo... Sumakay ako sa train na un. Pero sumakay din ang guard at pinalipat ang mga babaeng sa tingin nya ay di pasok sa kategorya na un. Dito na pumapasok ang pagpapasalamat ko na mataba ako... Mejo tumingin sya sakin, pero para lang wala nang issue, huminga ako ng malalim, pinalaki ang tyan ko at humawak dito... PARA MAGPANGGAP NA BUNTIS. Bakit ito nangyayari sa akin? Ang malupit, ramdam na ramdam ko na nakatingin sa akin ang mga tao dahil tingin nila ay isa akong babaeng buntis na di man lang sinamahan ng tatay ng anak ko na mag-commute sa Maynila... To make matters worse, un isang Senior Citizen ay kinabahan yata na makunan ako kaya in-offer nya sa akin ang upuan nya. Magmamatigas sana akong wag umupo, pero masisira ang disguise ko, lalo pa't naka-heels ako.
So ayun ang buhay ko, isang aklat ng mga bagay na talaga namang MALING-MALI! :D
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
No comments:
Post a Comment