(poem was originally titled “Marking the Close” but since my friends couldn’t help but contribute in Facebook, i just need to repost this, kung gusto nyo pa sumama, GO LANG!)
Sayang nga.
Kasi parang wala nang panahon
at wala na ring pagkakataon.
At kung meron man,
nagkakaubusan na ng rason.
Pero kung nauna ka na sana
At narinig ko na agad,
Di ikaw na ang kasama
At ako na ang rason.
Pero marami nang nangyari
Sa mundo mo
At sa mundo ko
Sa lahat ng pangyayari
Hindi ikaw ang kasama ko
At sa’yo, hindi naman ako.
Sa ngayon masaya naman sana
Kung minsan nakakatawa
Gusto kong sabihin na
Ikaw na lang sana.
Pero ang weird naman non diba? (E.Monsod)
kung minsan may umaaasa
kahit alam hindi naman talaga
mabuti na ang pumusta
kaysa buong buhay ay nag akala. (J.Hernandez)
Ngunit kahit mga panahon ay naaalala
Ang mga tawanan
At mahahabang usapan...
Wala paring panghihinayang
Dahil kahit sandali lamang
Ako’y masaya
Na tayo’s nagkasama (M. Ylagan)
At kung dumating ang panahon na,
ang pagpapaalam ay katumbas ng HINDI NA,
wag mong kakalimutan,na minsan ay dumaan pa…
Para ang pusong nanaghoy at nangulila,
Ay sabihin sa mata kong, tiglan na ang pagluha... (E.Monsod)
at kahit bawal ka mang mahalin,
hindi dahil sa hindi dapat,
at alam natin, alam nila,
na para sayo, hindi ako sapat......
Pero sana naman wag akong pigilan,
Malamang hindi naman ‘to tatagal ng kailanman,
Sa ngayon pagbigyan mo na,
Alam natin, alam nila.
Hindi naman hihingi ng kapalit,
Sarili ko’y hindi ipipilit,
Hindi naman ipagdadasal,
Na sana bukas ako rin ay iyong mahal…
Alam natin, alam nila, na sa ngayon,
Mahal na mahal kita.
Blah blah blah. (D. Pano)
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
No comments:
Post a Comment