Pepe is the Way the Truth and the Life.

"if it's from Pepe, it must be good."

Pepe celebrated his existence yesterday and boy were we glad. He was a lucky charm for all of us because....
1. FREECUT sa Persons!!!!
2. half lang ng period and ginamit namin sa Crim.

may mas gaganda pa ba sa araw na ito??!

then Pepe treated us to another episode of "NAKAKASUKANG KABUSUGAN" sa Dencio's. According to him... (after ordering another round of sisig) "Para kasing dinaanan ng bagyo un ulam eh!" Natawa na lang ako.

Si Pepe ang isa sa mga pinakanakakaaliw na tao sa buhay ko ngayon. Ito ang mga dahilan.

1. Siya lang ang kauna-unahang nakilala ko na nagpapatakbo ng 140 km/hr.
2. Siya lang ang taong may maraming maraming PEYBORIT na kanta na lagi nya tina-try na i-claim na PINAKA-PEYBORIT nya sa lahat ng mga PEYBORIT nya.
3. Sya lang ang willing na buksan ang bintana nya kahit na marinig ng mga tao na ang song na pinapatugtog nya ay "Wag jan, may kiliti ako jan" by Baywalk Bodies.
4. Sya lang ang kilala ko na willing matukso sa mga girls na nagbibigay ng ticket sa Parking Lot.
5. Sya lang ang willing na tuksuhin sya sa lahat ng babae sa block.
6. Sya lang ang nakakayanan na mamasyal sa Powerplant na suot ang kanyang mala-boxers na shorts at Bokia Shirt with his girlfriend na bihis na bihis.
7. Siya lang ang nakakapagsabi ng... "Penge picture, pagpapantasyahan ko lang."
8. Sya lang ang nakakapagpull-off ng mga lines tulad ng.. "nakaw na sandali, ang pag-ibig ay parang magnanakaw sa gabi..."
9. Sya lang ang nakikipag-convoy na iniiwan un ka-convoy nya at nags-swerve forever.
10. Siya lang ang makakapagpull-off ng pangalan na... "Joey Boy Corde" sa habang panahon.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...