Sa isang kwentuhan na inumpisahan ng anecdote ni Ona tungkol sa bulok na taxi na napilitan silang parahin nang papunta sila sa senado, nag-ugat ang isang malalim nanamang diskusyon tungkol sa pag-ibig. Pagmamahal. Love.
Ang kwento, papunta sila ng senado at dahil rush hour, napilitan silang sumakay sa isang taxi na kakarag-karag. Namamatay sya kada ilang minuto at kagaya ng inaasahan ay sumuko sya matapos ang isang masalimuot na pakikipaglaban. Walang aircon, mainit. Pero napara.
Sabi namin, ang babae parang taxi driver. Naghihintay na mapara, pwede mamili pero madalas, walang pasahero. Di na pwede magsakay kung may nakasakay nang iba. Naj-judge sa kung ano ang itsura ng taxi na dala nila. Jan pumapasok ang mga vios, avanza taxi. Syempre sila ang preferred kaysa sa amin na bulok na, niluma na ng panahon, walang aircon at walang accessories. Di ka mapapara kung di ka maayos tignan. Liban na lang kung crunch time na, in other words, rush hour na.
Pero madalas din, ang mga Avanza na taxi, kahit gaano kaganda sana ay malas din. Dahil akala ng mga pasahero, mahal sila, di available... nangd-discriminate din. Di nila alam, ang Avanza, gusto din mapara. Kasi nga, Taxi lang din sila.
Ang mga kaibigan, sila ang MMDA. Sila ang magsasabi sa'yo kung lumalabag ka na ng traffic rules. Sila ang magsasabi sa'yo kung kailan kailangan mo na ibaba ang pasahero mo.
Ang magulang, sila ang LTO. Bibigyan ka lang nila ng franchise kung alam nila na ahanda ka na pumasadao.
Ang taxi driver di pwede mamilit ng pasahero na sumakay na. Lagi lang naghihintay. Kung walang papara. Edi wala.
Un ang problema.
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
No comments:
Post a Comment