Bakit ako natatawa?
Natatawa pero di natutuwa.
Natutuwa ka ba na nalulungkot ako?
Ako ang nagsusulat pero ako ang sumusunod.
Sumusunod-sunod, nagbabaka sakali, nagpaparamdam?
Nagpaparamdam ako pero di mo maramdaman, di naman manhid.
Manhid ka na ba sa lahat ng mga sampal, suntok at sipa ng kapalaran?
Kapalaran ang pagkikita sa walang kasiguraduhan na landas ng kasiyahan.
Kasiyahan na di pa dumadating sa kabila ng lahat ng kalungkutan?
Kalungkutang tinatamasa na parang walang katapusan.
Katapusan ba ang sagot sa lahat ng katanungan?
Katanungang maingay, sagot na tahimik.
Tahimik na sigaw, tenga'y sinarhan?
Sinarhan pati pusong sugatan.
Sugatan na naghihilom?
Naghihilom.
Natatawa
Natutuwa
Ako
Sumusunod-sunod
Nagpaparamdam
Manhid
Kapalaran
Kasiyahan
Kalungkutan
Katapusan
Katanungan
Tahimik
Sinarhan
Sugatan
Naghihilom
-------------
Mamulaklak na Salita
dimanche, octobre 09, 2005
No comments:
Post a Comment