TOPAK

Patty: [tonong PROTECTIVE MOTHER] O Carlo ikaw na bahala dito ha? Ikaw na bahala sa kotse at kay Eunice, lock nyo ang pinto. [umalis pero di sinara ang pinto]
Carlo : Tignan mo 'tong si Patty, ang lakas magbilin sabay di man lang sinara ang pinto.
Euns: Nagpaka-responsible pa e no?
---------------
[naghihintay sa loob ng kotse, si Carlo ay naka-barong ako ay nasa Passenger Seat]

Carlo: Ayos 'to... Chauffeur na Chauffeur ang dating ko.
---------------
WASHROOM: May bag sa tabi ko na kamukha ng bag ni Ces, lumabas si Patty from the cubicle at naghahanap ng brush, nakita ang bag at tinanong ako.. "Is this Ces' bag?" at sumagot ako, "I think so." so nagsimula maghanap si Patty ng brush.. but NOOOO!!! Di pala kay Ces un, it turned out na sa ibang babae pala un bag na katabi namin at nag-aayos din. Ayon, mawawalan pa tayo ng GOOD MORAL CHARACTER ng di oras.
---------------
[bago manood ng sine naisipan namin ni Carlo bumili sa Tropical Hut, after a few bites]

Carlo: Mas ok talaga ang grilled burger kesa dun sa mga other burgers. Di masyadong oily...
Eunice: Oo naman, juicing-juicy pa..
Ces: Ayos a, kulang na lang camera para na kayong nagsh-shoot ng commercial.
[tawa]
--------------

Traffic ng sobra sa EDSA, dahil gutom na gutom na kami at more than an hour na kami sa kotse lahat (Haze, Ces, Carlo at ako) ay talagang mego agitated na. Ok lang, normal na kulitan ng biglang.... BINUKSAN NI CES ANG BINTANA AT PUMITAS NG MGA DAHON SA WALL (un nagtatakip ng rail ng MRT) Ayos, TOPAK talaga.
--------------
Bumili na kami ng ticket for the film, ok na ang lahat at nag-decide na maghiwa-hiwalay kami muna para makakain sila Haze at para magyosi kami nila Patty... But no, nakalimutan namin kunin ang movie tickets after magbayad. Lahat kami in-assume na may kukuha. Naweirdohan un cashier girl, buti na lang di pa huli ang lahat noon na-realize namin na wala sa amin un ticket. TOPAK talaga.
--------------
Pagpasok ng sinehan ginuide kami nun CINEMA usher to our seats, kaya lang may isang girl na nago-occupy nun isa sa mga seats na ni-reserve namin.. So Patty asked her in english and the girl (this is accdg to Patty) sort of had a hard time to answer her due to language constraints, handa na sana kami mang-away nang tinawag namin un USHER at na-realize nya na mali un tinuro nyang seat sa amin. PAHIYA kami. Salamat.

Same USHER, ginuide nya this sort of old lady, sabi nun lady.." San ba kami? Sa kabilang side? Ayy sus, bakit dito mo kami pinapadaan?" I therefore conclude na sablay syang talaga.
--------------
Nag-start un film, first time lumabas si Anne Hathaway, the girls behind us at the same time said, "Sya un sa PRINCESS DIARIES!!!" with much enthusiasm, natanggap na namin ni Hazel na it's gonna be an interesting experience.
--------------
Sobrang feel na feel ko habang nanonood ng The Devil Wears Prada, un sa scene na pinapakilala si Miranda [Meryll Streep] bago sya mag-speech pagkatapos sabihin un name nya MUNTIK NA KONG PUMALAKPAK. Seryoso, nakalimutan ko na pelikula lang sya. Buti na lang napigilan ko sarili ko.

Napagod ako kaka-react sa kagandahan ng mga clothes at shoes. Nakakapagod ang pelikulang ito!

1 comment:

  1. Hahaha Euns, kala ko talaga lalabas si carlo! Sorry ha lutang talaga ako kahapon. Mwahahaha :)

    ReplyDelete

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...