Eh kasi nga... SUMMER!

so I went back to my old summer habit of going to the gym. Astig, nandun parin ang mga taong naiwan ko nang ako'y nagpaka-mongha bilang isang estudyante ng abogasya. Isang linggo na, pero sa tingin ko mahihirapan ako bawiin ang isang buong taon ko ng pagmamataba. Kamusta naman?
JLo: Anong nangyari sayo?
Ate Cya: Bakit ka lumaki ng ganyan?
Kuya Ton: Ok ka na dati e, bakit pinabayaan mo nanaman?
Gym buddy: Kasi, sumexy ka na un, mag-uumpisa ka nanama ulit ngayon.
Uhmm, guys yeah. alam ko. MATABA ako. SALAMAT.
Mom: [during dinner] Paano ka papayat nyan, kung kumakain ka parin?
Ah-eh, dapat ba tumitigil ng pagkain? Ano gagawin ko, iinom lang ng tubig? Ano ba ito!

Gym guy: [nang nakita akong nakaupo sandali] Kuya Ton o, nagpapahinga.
Euns: [dramatic] Tao lang ako no?! Ikaw kaya mag-exercise ng 3 oras na walang pahinga, tignan natin! [syemps, nagkakabiruan lang naman]

HABANG NAGKAKAKWENTUHAN ANG MGA GYM MATES
Another guy: Kaya nga pag-umiihi ako, mejo ganito na ako umihi. [flexing muscles] syempre mejo matagal un, mabuti nang mapansin ng iba na malaki na ang muscles ko.
Euns: Ah ok. [perv!]
Another guy: e ang mga babae kayang nagg-gym paano umiihi? Di ko alam e. [silence]
Euns: Obviously, di ko un sasagutin. No comment.

But the good thing is, I was able to reconnect with some people from my past. Some of my former schoolmates were also there. Ang saya, kumbaga parang highschool reunion. hehe.

At ito pa. Merong isang cutie sa gym. Oo isa lang syang PWEDE. But nooooooooo! He's gay. DI halata, pero according to Yvonne, he's gay. Euns, ISTAP!

Ssaya-saya talaga mag-gym.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...