In Other Salita a.k.a Sa Madaling Words

In Tagalog:
Nung tiningnan mo ba ako, nakita mo rin ang takot
na dinala nito? Naaninag mo ba ang pagaatubili,
ang pagtatago na pilit kong pinapalitan
ng pagngiti at paghawi ng aking buhok na sa totoo
lang ay hiniling ko na takpan na lang ang aking pagkatao?
Nang hinawakan ba kita, nalaman mo na handa na
Akong ibigay sana ang pagtitiwala, ang pagkalinga
At ang pagmamahal ng nangungulila kong puso?
Pasensya ka na, mapatawad mo sana ang lahat
Ng pagtunganga, pagtahimik at pagsasawalang-
Bahala na ginagamit kong sandata laban sa’yo.
Hindi naman talaga laban sa’yo, kundi laban
sa posibilidad na maaari akong mahulog
at mapahamak sa pagtugon sa mahina pa
sanang tinig na nagsasabing ikaw, sana ikaw,
pwedeng ikaw, bakit ikaw? Mas malakas kasi
ang tinig na nagsusumamo na sa ganitong pagka-
kataon, mauna na muna ako, isipin ko muna
ang sarili ko, mahalin ko muna ako. Bakit hindi
ako? Kasi pag nangibabaw nanaman ang ikaw,
magmimistula nanamang saling-pusa lamang
ang ako na sana’y maging bida naman ng storyang
tinatawag ko paring aking buhay. Nang di natin na-
Malayan na magkadikit na ang ating mga tuhod,
Hita, kamay, mukha, damdamin! Ako lang ba
O parang sanay na sila na magkasama? Ako lang
Ba o parang matagal nang hinintay kita? Ako
Lang ba o nanumbalik na ang parating palang
Nating alaala? Ako lang ba? Ikaw rin ba? Pero
Sa pagtatapos ng mahabang tanungan na ito,
Ang tanong parin ay kung pwede nga rin ba
ang tayo? Itutuloy mo parin ba ang paghabol
sa kayo? Muli, natatakot nanaman ako. Kasi
kung tama ang palagay ko, matatapos na
kasabay nito ang guni-guni ko na pwede tayo.
Kasi ang paglalaban ng kayo at ng tayo, yung
Huli ang medyo dehado. Sana lang sa desisyon
Mo, maisip mo, kahit na konti, ako. At ang pag-
Lalaro na laging taya ang puso ko.
-------------------------------
In English: What’s up?!

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...