Pagtanda

Sinasabi ba nila na tumatanda ka kasi habang tumatagal ang paglagi mo sa mundo, mas marami ka natatandaan?

O dahil habang tumatagal, parang nagtatanda ka na sa mga kamalian na nagawa mo?
Baka naman dahil habang nabubuhay ka, maraming mga pangyayari na nilalagyan mo ng pananda hindi lang para maalala, hindi lang para magtanda ka na kundi para sa pagtatapos ng karera mo na tinatawag na buhay, puwede ka lumingon para matanaw ang mga panananda na ito. Iyon ang magiging “view” mo.Ang mga pananda ang magpaparamdam sayo na handa ka sa isang buhay na hindi na kailangang “tumanda”.
Ang labo talaga. Pag tumanda ka na ng sobra, ito rin ang hudyat na makakalimot ka na. Siguro isa lang syang may pahintulot ng Diyos na pagsilip sa kung gaano kapayapa ang buhay na naghihintay sa atin pagkatapos ng buhay na’to.
Siguro.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...