Three Down.. I'm Finally Halfway.

Surprisingly, I don't feel drained... I feel like I have quite a reserve of energy. Di ko alam where I'm getting it from, must be my lack of other issues, must be my passion to finally do something right or must be that God's finally allowing me to be calm. and peaceful and uhmm, genuinely happy. Mabuti naman. Sa tingin ko all of the above.

Ung lalaki na naging crush ko the other night, may girlfriend pala. At un girlfriend pa ay un mukhang masamang ugali na kontrabida sa telenovela ang tipo. I'm through with my Mara Clara days eh, kaya dahil di sya actionable document... Kebs na lang. So I have one more. Di rin masyado actionable pero PWEDE. Haha. Sep asked Pia and I if we girls check guys out too when they pass by, answer? TUMATAGINTING NA YES. Dumadaan na nga e, di mo pa titingnan. Free meal kumbaga. Bawal talaga magka-love interest sa law school kasi nakakairita lang pag ayaw mo na sya. Nakakairita rin pag gusto mo sya pero away ka nya. NAkakairita. Sa tingin ko naman may pag-asa ako dun sa isang natitira kong object of affection... ngunit subali't datapwa't... TRICKY ito.

Sa wakas inamin din ni ___ sa'kin na nag-break na sila. Binigyan ko naman sya ng MOMENT OF SYMPATHY tapos pumalakpak ako. Ang sad part, di ko na sya makukulit ng, "Hoy, BREAK na ba kayo? Mag-break na kayo!" So nawalan ako ng isang mapapagkaabalahan na libangan. Pero natutuwa parin ako kasi pwede ko na sya tuksuhin kahit kanino.

Si Quani naman, walang ginawa kung mag-tsismis tsismis sa Starbucks. Tapos paminsan-minsan, umaapela sya para sa mga bagay na DI TALAGA pwedeng i-apila.. Minsan pinagtatawanan lang nya [at ko na rin] un mga taong PULA un buhok at un mga taong nakaupo sa harap ng salamin ng Starbucks na walang table. Lakas kasi ng TRIP e.

SI Krizna, sinisira ni Sep un buhay. Si Tristan naman nasisira ang buhay sa kakaubo. At syempre, si Dema at Sev.. ayun nag-aaral.

Namimiss ko na rin un mga dating tao sa Starbucks, pero di na yata talaga babalik ang dati. [Tingin sa malayo] Si Raplh may kasamang kaibigang lalaki kagabi [tingin kay Ralph ng may malisya], pinakilala nya sakin sabi nya.. "___, si Eunice, Eunice, si _____. Single yan." Sa isip ko, ayos magpakilala tayo habang Midterms.. pero ang sinagot ko ng walang pag-aalinlangan.. "Ako din."

Tinanong ako kanina nun kasama kong nag-aaral na free-rider kung ano ang tipo ko ng lalaki, sino daw sa law school. Wala ako masagot. Masama un. Ibig sabihin, wala talaga. Nun night before, tinanong nya ko kung ano ang tipo ko sa lalaki, sabi ko MATALINO. Un na.

Ngayon, katatapos lng ng TORTS exam na di ko alam kung ano ang mararamdaman.. KALMADONG KALMADO ako e. Nakakatakot un. Babalik ako ng Starbucks at magpapaka-loser na mag-aaral ng TAX. Kamusta naman. Pero di ako nagsisisi. In fact, excited na ako mag-aral. Kasi, un lang naman ang sigurado sa buhay ko ngayon. Kahit ano ang gawin ko, mag-aaral parin ako.

Grounded na grounded itong post na'to. Talagang may maayos na flow of thoughts. Concise.

I wanna watch a flick. I wanna go to CineMalaya.

Pero wala ako pera. Sya.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...