I HAVE A SOCIAL LIFE II

Natapos ang mahaba-habang inuman ng alas-tres ng umaga... but no... I had to wake up at 7am to go to the Ateneo Law's SPORTSFEST. Opo, nagsports fest pa ang lola mo.

Euns: [text message] Patty, i'm on my way na to Starbucks.
Patty: Euns, im outside na..
Euns: Err Patty. Ill be there in a few minutes. May binili lang ako.
Patty: [kahit kelan talaga si Eunice,LATE]


So, can I just say na si MEL na gumising sa amin ay naunahan pa namin. Isa syang perky kung perky na ALARM CLOCK. Haha. Pero wag ka, nun ginising nya ako ay nasa shower na ko nun. EXCITED, Yihee. =p (inside joke)

Pero syempre di ito normal na araw kung walang kalokohan.

1. Naupo ako sa bangko para tumulala at isipin kung bakit ko ginawa na nagpakalasing ng 3am at nagsportsfest ng 8am... kung bakit ko ginawa na di nagbreakfast at kung bakit hanggang ngayon amoy chico parin ako ng biglang... nag-appear ang isang bola na talagang walan sasantuhin, SERYOSO sa mukha ko sya dumaan, naramdaman ko un hangin na pinroduce ng velocity ng bolang iyon. SERYOSO, kung natamaan ako nun... SIGURADONG HILO AKO!

2. Ok na, nag-settle down na ako... Kalmado na. What are the chances na uulit nanaman? [INSERT number one for the story]

3. Naghahanda na ako para manood lamang, sitting pretty ako pagkatapos makipag-laro ng volleyball kay Jacqui... dumating si Patty, "Euns, butas un pants mo."

Dahan-dahan ako tumingin, in denial at umaasa na maliit lang ang butas. But NOOOOOOOOO! Isa syang malaking butas sa crotch. as in, WARAAAAAAAAAAAK! Panic Mode. Naghahanap ng shorts, pants, dahon o kung ano man na pwede ko suotin. Until na-realize ko na may dala ako pants.. pero di bagay sa Rubber shoes. Buti na lang nakahiram si Patty ng shorts for me kung hindi Jimmy Santos attire ako.

4. Ayos na sana, pero syempre di pwedeng matapos ng ganun ganun lang! Di ako nakapag-wax / shave ng legs. Para akong may bigote sa legs... Nagkaron tuloy ako ng dilemma, BARBARIC legs o JIMMY SANTOS ATTIRE? Noong umpisa pinili ko ang BARBARIC legs, pero di ko kineri kaya nag-JIMMY SANTOS attire na lang ako. TUtal naman kahit si AJ naka-jimmy santos attire e.

5. Pauwi, akala namin ni Patty nagkaintindihan na kami. But no, wala palang u-turn slot sa kinananan namin. So, napunta kami JP RIzal na... pagbalik namin, di napwede dumirecho si Patty kaya kinailangan ko mag-foot bridge. Ito po ang catch, sa ordinary day, ok lang un. Pero sa AMATS day bigla ako nagkaron KALULAAN factor. Nakikita ko un mga sasakyan sa baba, para akong masusuka at hihimatayin.
Kaya naman I therefore conclude na I HAVE A SOCIAL LIFE. INUMAN at SPORTSFEST? Minsan lang mangyari yan sa isang law student na katulad ko. Yipee.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...