Weird day.

Panahon na para makaganti ako sa kanya. Dahil maraming beses nya kami ininjan, ito ang araw na sinabi kong... "AKO NAMAN!" [In re: Legal Writing Absence]

I overslept today but it's a normal thing for me. What's abnormal about my sleep was my dream. I dreamt of the Ateneo Law Library. Nakakadiri. We were all barefoot, some were studying, some were just passing by. They were all familiar faces. Pero di un ang catch. Di ko babanggitin ang pangalan nya dahil napaka-incriminating for me pero alam kong kilala sya ng DuhPerm. Ang aking Lawschool DYOWA ay nandun sa dream at pinagtapat nya na meron syang HD sakin. Nakakatawa kasi sinampal ko yata sya pagkasabi nya at sinabi kong, "Gago ka ba?" Tapos natapos ang dream ko na naghahabulan kami mala-sitcom. San ka pa diba? Whatta way to start my day. Di ko kinwento kanina kasi nandidiri parin ako pag naaalala ko. Haha.

Alam kong inexpect na ito ni Ana kaya gagawin ko parin. Ang masasabi ko lang ay SILENCIO DE GALAW si Ana today. She got to talk to Mr. Beda Law who turned out to be from Tacloban also. I think she's freaked out of the fact that he knows her full name.. Well, I say... KAYOD MARINO! haha. Lagot ka kay Mia. =P I saw his friendster account na and he's single. PWEDE!

Si Kay naman ay pinagdiskitahan namin ni Kiboi kanina. 5th degree of consanguinity? Pwede! Kay, mag-isip isip ka. Haha.

Bagong gupit si Pepay. Dapat talaga nagpakalbo na lang sya para kamukha nya si Mr. Clean. Astig kaya un.

Natutuwa akong malaman na na-miss ako ng mga tao. Nalulungkot akong malaman na sa Tuesday na un report sa Logic. Ngii.

Lastly, gusto ko magpasalamat kay Hazel at Shem sa kanilang PRANK kanina. When I asked them if i got called to recite sa Legal Writing, they both replied to me in the affirmative. Na-devas naman ako dahil isang pagkakataon ka lang makakapagrecite sa Legal Writing. Tinry ko na i-compute ang grade ko sa kanya at natanggap ko na. Pero nang sinabi ni Hazel na, "Ok lang yan, kalimutan mo na un." THat gave her away. Alam kong di nya un sasabihin. Therefore, isa lang syang malaking JOKE. Whatta relief!

Buti naman at natapos ko na ang Section 9 ng Consti at Ang OBLICON na hanggang NOVATION. Ibig sabihin, pwede ako magliwaliw with my family later. Im so excited for my sister, Prom na nya sa Feb. 18 at magsho-shopping kami today for her prom dress at shoes. Ipapa-sched ko na rin sya for her hair and make-up appointment. Teary-eyed na ako nyan, malaki na sya. Dalaga na ang bunso namin, hehe. Naglulumandi na nga e, may lovelife. Can I just say na ang dalawa kong kapatid ay may LOVELIFE? Argh. Sickening kasi ako ang WALA. Kamusta naman.

Magpapagawa na rin pala ako ng glasses sa wakas. At un Laptop ko, sa tingin ko ay coming soon na. In re: Driving, konti na lang makakatiyempo na ko ulit para hiritan sila na magd-drive na ko. Hello my Baby Benz, we shall be one again. Pag ok un Logic at Oblicon, let's get it on na ulit!

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...