
Di madamot ang tadhana... mapaglaro lang at palabiro. Isang malaking biro nga yata ang buhay ko, di tulad ng maraming mga jokes, di natatapos ang pagtawa sa "Knock, knock" o sa "Sirit na!". Tuloy-tuloy lang ang halakhak. Kahit takpan ko ang aking mga tenga, patuloy parin itong nag-iingay sa aking isipan. Minsan sinubukan kong kantahin na lang, minsan naman dinadaan na lang sa costume... pero sa paulit-ulit na pagtawa ng tadhanang hindi alam kung kelan dapat tumigil, gusto ko na sana magtago na lang sa backstage hanggang sa matapos ang palabas. Sa buhay ko kasi, walang FIRE EXIT ang entablado pero may washroom na mahaba ang pila.
Di ko kelangan ng mga palakpak ng mga taong di ko naman inimbitahan. Yang si gagong tadhana kasi kung sino-sino ang binibigyan ng tiket. Wala akong problema sa mga kritiko, sila ang may problema sakin. Nung kinuha ko na manager ang tadhana, di ko alam na masyado pala sya mapagbigay. Nagmamarunong at nagpapaka-spontaneous. Putang ina. Tigilan mo na ang paglalaro at pagbibiro! Ayoko nang maging star ng sitcom... Success story naman sana kung pwede.
Di naman madamot ang tadhana. Gago lang at manggagantso.
---------
images from POST SECRET.

No comments:
Post a Comment