I needed to post this.. I still cannot get over the fact that the "episode" that we had last night/ morning was like a scene from One Tree Hill or The OC or Ed. Kahit kaming dalawa na nag-uusap ng masinsinan ay natawa na lamang.
Scene no. 1: I was on my way to going home... he went out of Starbs and asked me if I was going home. I looked at him (searching look) and said yes. He said he was gonna be out around 1am. Naisip ni babae, konti na lang ang panahon ay patapos na istoryang ito. Natahimk ng sandali, half smile pareho. "Pano, bye na." Sabay may emotional big hug. Un tipo ng hug na nakikita mo na ang ibig sabihin ay.. "Tapos na. Magkikita pa tayo pero tapos na ang storya." Un tipo ng hug na napapapikit ang bidang babae at ang bidang lalaki naman ay may mild squeeze na nagsasabing, "Take care."
Scene no. 2: (shempre nagkahintayan parin) the dreaded awkward silence inside the car... I was looking out the window while he was driving. There was an attempt to finally get the conversation going but it was to no avail. I was biting my nails. He was talking about how I have hurt him with my words. Dapat nag-uusap in third person. Un tipong, "Pero masakit naman para sa lalaki na un na un ang naisip mo tungkol sa kanya diba?" sasagot ang babae na, "Pero you have to understand na nasulat lang nya un dahil un ang nararamdaman nya nun panahon na un. Writers are supposed to be exaggerated." Kahit na alam naman nila na silang dalawa lang naman ang subject ng usapan. Yan ang tinatawag na "kunwari ibang tao ang pinaguusapan natin para mas madali tayo makapagsalita."
Scene no. 3: Ito ang "So, paano?" moment. Tumigil na ang kotse. Wala parin napagusapan. Di parin settled ang lahat. Ang babae ay titingin sa lalaki, nakatikom ang bibig na may konting ngiti.. Un ngiti na di pang masaya. Tahimik parin. Ito ung, "Siguro hanggang dito na lang talaga." moment. Tatango ang babae at lalabas ng kotse. May pahabol na "Goodbye Miss Ever Optimist".
Scene 4: Magkakausap sa cellphone. Ito ay pagkatapos na bumaba ng babae sa kotse. Sasabihin nya, " I still dont understand." Sasabihin ni lalake, "Do you wanna talk?" Tahimik ulit. Nagtanungan kung nasan ang isa't isa. Napagdesisyunan na kelangan na tapusin dahil WALA NANG IBANG PANAHON. Ito na ang nakakadiring linya ng babae sa driver... "Manong, balik po tayo..." Bababa sa sinasakyan at hinahanap ang kotse ni lalake. Tapos sasakay uli. Umpisa nanaman ng drama.
Scene 5: Essential na mag-park sa parking lot (ng McDo) para tapusin ang "conversation." Shemps kelangan naluluha luha tayo habang nag-uusap. Meron din paghaplos sa likuran at ang mabilisang pagtatama ng mga kamay. At pagkatapos ng mahabang dramahan. UMULAN. Opo... unbelievable pero UMULAN. Pelikulang-pelikula. Good job.
Scene 6: Ihahatid sa bahay si babae. Pagdating sa kanyang bahay ay magpapark muli sa harap. Katahimikan. Pasalamatan. Matatawa na lang sa kadramahan ng isa't-isa. Maiisip na di naman pala ganun kalala ang sitwasyon. Shempre matatapos ito ng isang akap. Ito un mas "final" na akap. Akap ng makaibigan na nagkaintindihan na. Umuulan parin.
-----------
Sino ang mag-aakala na nangyayari ito sa totoong buhay? Sa tingin ko ay isa itong practice para sa aking future career in showbusiness. Hanggang ngayon kahit na medyo malungkot un napag-usapan, napapangiti parin ako sa kakornihan nun sitwasyon. Alam kong mababasa mo ito. Sana natatawa ka rin. It wasnt that bad. At least, pag nagkaron tayo ng chance na maisapelikula ang buhay natin, sigurado nang kasama ka sa storya ko at kasama ako sa storya mo. Ang hiling ko lang, kung saka-sakali, ako ang papiliin mo ng artistang gaganap ng aking role. Mahirap na, baka di sya magaling at di mabigyan ng justice ang pagkaperpekto ng mga MOMENTS na un.