Ranting na Patawa

Sayang nga.
Kasi parang wala nang panahon
at wala na ring pagkakataon.
At kung meron man,
nagkakaubusan na ng rason.
Pero kung nauna ka na sana
At narinig ko na agad,
Di ikaw na ang kasama
At ako na ang rason.
Pero marami nang nangyari
Sa mundo mo
At sa mundo ko
Sa lahat ng pangyayari
Hindi ikaw ang kasama ko
At sa’yo, hindi naman ako.
Sa ngayon masaya naman sana
Kung minsan nakakatawa
Gusto kong sabihin na
Ikaw na lang sana
Pero ang weird naman non diba?

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...