Dahil pag nagmahal ka...





... hindi totoo na hindi ka dapat humingi ng kapalit. May minimum requirement parin yan. Alanganamang magkaron ng UNJUST ENRICHMENT diba?

... hindi totoo na dapat mahirap. Dapat lang matibay.

.... hindi totoo na hindi ka na pwede mag-celebrate ng Valentine's kasama ang single friends mo. Kasi, single ka parin, legally. (Pilosopo). At higit sa lahat, mas masarap malasing ng sila parin ang kasama.

.... hindi totoo na you're always better off. Kasi nga, ang pagiging single, may perks din. Ang problema, hindi discriminatory, kahit may relasyon ka pa o wala.

... hindi totoo na ang sukatan ay kung napapasaya ka nya. Ang sukatan ay kung masaya ka. May pagkakaiba.

... hindi totoo na okay lang na sinasaktan ka nya. Dapat saktan mo din sya.

... hindi totoo na dapat di ka na tumutingin sa iba. Ang totoo, kahit anong gawin mo, titingin at titingin ka. Ang mas malaking tanong ay kung pagkatingin mo sa iba, ibabalik mo ba ang tingin mo sa kanya.

... hindi totoo na dapat may spark. Ang mas dapat, may pagliyab. Kung spark kasi manipis lang na ebidensya ng kuryente e, pero pag may apoy... iba na talaga.

... hindi totoo na dapat sigurado kang siya na. Pwede rin kasi na sya pala ang front act mo para sa iba. At kahit na matapos ang "set" nya, pag inalala mo, ang punto parin, minahal mo sya.

... nagmahal ka. Kahit ano pa ang mangyari pagkatapos ng bola.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...