Ate [kasama naglinis ng LSAC]: E siguro ikaw ma'am marami ka boyfriend. Mukha ka naman masaya, imposibleng wala kang lovelife!
Euns:Hay naku Ate, kailangan mo sabihin yan sa mga gusto ko lalaki. Imposible? Wala nga e, Sa tinagal-tagal ko dito sa law school wala man lang ako nakuha.
Ate:Bakit naman?
Euns: [nagsalansan na lang ng mga libro]
Ang masabi ko lang, Congrats Euns. Kung susundin ang sinabi ni Ate, You have done the impossible.Good job.
------------------------------
Kagabi uminom kami, humekhek ang mga tao at ako? Ayun, uminom. Wala man lang nahekhek. Game na talga, ilabas na yang mga dates na yan.
Pero gaya nga ng sinabi ni Mel, "Malakas lang ang loob mo pag wala dito e."
Shet.Kung di lang thesis maganda sanang pang-hekhek ang French Film Festival because I LOVE EVERYTHING THAT IS FRENCH. At knowing the people who know me, isang french lang ang maiisip nila...
.........
FRENCH ...
........
FRIES.
-----------------------------------------
Ces: [blahblahblah]
Euns: Oo nga e, blahblahblah... Teka sabi ko na nga ba may gusto sakin si ________ eh!
Ces: Putang ina, san naman nanggaling un?
Euns: Wala lang. Naisip ko lang. Sorry walang kinalaman.
------------------------------------------
Sabi nila ang mga jokes raw ay half-meant. Ibig sabihin pag dalawang beses na inulit, meant na ito. Hence, HEKHEK. Kasi kung HEK lang, half meant lang. Pero bakit HEKHEK? Ano ba ang etymology? Ang naisip ko lang kasi parang hickey [ganito ba spelling nun?] so ibig sabihin, may landian involved. Hindi ka naman accidentally na nas-suck sa mga parte ng katawan mo diba? Unless ang love life mo ay isang dikya o kuhol o suso.
------------------------------------------
Ang haba na pala ng entry. Kasi naman pag nasa Starbucks ka at malakas ang ulan, maaalala mo ang mga panahon na di ka natatakot maglakadlakad kasi may naghahawak ng payong para sa'yo. May sumasama sa ilalim ng payong kasama mo at kung mabasa man kayo...
May matatawa kasama mo.
I should stop blogging, mumomotmot nanaman ito.
Pero last na. Kagabi, may nagsabi na masaya ang maging single. Ang sinabi ko? May certain period lang. After ng prescriptive period, masaya na lang maging single pag...
....
HUMEHEKHEK at HINEHEKHEK ka.
----- THE END ------
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
No comments:
Post a Comment