Minsan lang ako magsulat na Tagalog ang gamit, nahihirapan kasi akong makahanap ng mga salita na makakapagpaliwanag ng kung ano talaga ang gusto ko sabihin, masyado kasi akong nabababawan sa mga salitang ginagamit ko na para bang paulit-ulit lang ako, barok pa nga kung minsan. Parang ngayon, may kakaiba ako nararamdaman pero di ko alam kung ano. Para bang, bigla na lang ako napapangiti kahit wala naman nangyayaring nakakatuwa, bigla na lang ako nalulungkot kahit na di naman nakakalungkot. Un tipong, bigla na lang ako naiinis, nagseselos nawawalan ng kumpiyansa sa sarili kahit na wala naman akong karapatan magselos at kahit na alam ko na wala naman gumagawa ng masama sa akin. Un tipong naiirita lang ako ng sobra pag di tumutunog un cellphone ko kahit na wala naman talagang obligasyon un mga tao na I-text ako o tawagan ako. Nababaliw na yata ako, napaka..hmmm… unstable ko, ano ba sa tagalog un? Sa totoo lang alam ko na hindi “cohesive at coherent” itong sinusulat ko, alam ko na di papasa bilang isa sa mga magagandang “essays” na kikilalanin ng mga tao, bokabularyo pa lang bagsak na. E ano ngayon? Nakaharap ako sa computer ko, tapos ang tagal maka-connect sa internet, wala ako magawa, kumakanta ako tapos nawawala naman ako sa tono, gustuhin ko man sumayaw ayoko naman pagpawisan, madugyot e, kaya ito, nagsusulat na lang, kahit na walang saysay ang sanaysay (naalala ko na ang tagalog ng essay.) kahit na alam ko na pag natapos ko na itong sanaysay na ito ay hindi parin tutunog ang cellphone ko, di parin tutunog ang telepono ko, at wala ako matatanggap na kahit anong mensahe, ni smoke signal, galing sa kanya na ayun sa aking kaibigang manghuhula ay di ko pa nakilala at di pa dumadating.
Maayos naman ako ngayon, maayos ang takbo ng araw araw na mga pangyayari. May mga tao na kahit di ko pa ganun kakilala e nagpapasaya ng araw ko, may mga tao na dahil matagal ko na kakilala, nakakapagbigay sakin ng pakiramdam na ligtas ako, na may nagmamahal sakin, na kahit maraming kulang mas maraming biyaya na dumadating. Masaya magsulat, masayang gamitin ang bawat letra ng keyboard bilang mga sandata na tutulong sa akin para sumuong sa laban. Patingin-tingin ako sa cellphone ko, ayoko parin sumuko na may magpaparamdam. Pucha, nasan na kayo pag kailangan ko kayo??!
Ang mga tao ba nararamdaman nila pag may nag-iisip sa kanila, pag may nagiging miserable ang buhay dahil sa kanila? Pag may umiiyak dahil sa kanila? Pucha kung ganun malamang miserable na rin ang buhay nun tao na un. Malamang hindi. Ano ang point nito? Wala. Sinusulat ko lang kung ano pumpasok sa isip ko. Unedited,uncut. Kaya nga parang illogical e, parang walang ibig sabihin, parang napaka-random.. walang autocorrelation, kung ano man un. Pero kasi ganun naman talaga ang buhay diba? Napala-illogically logical, napaka-predictably random… sana di ako sikmurain sa dami ng coke at coffee na iniinom ko.
No comments:
Post a Comment