Kapag naubos ang mga pahina ng libro ng aking buhay
ang bawat pagbabalik tanaw ay tila mga bubog
na gumagasgas sa aking natutuyong pagkatao.
Tuwing ililipat ang paningin,
maghihingalo sa pagsikat ng aking nakaraan.
Maririnig ang sigaw ng pagtangis
na kailanman at di pa naririnig mg aking mundo.
Ang mga tinta ay mga luhang
dumaloy upang tapusin ang mga salita
ng isang dilang dumudugo sa kawalan.
Ang bawat letra ay ang pagkalagas
ng mga buhok na naghihintay ng walang hanggan.
Maabo ang bawat pahina at manunuot
sa aking paimbabaw na katatagan.
Lulusawin ang makapal na yelo ng pagpapanggap
at ang apoy ay maglalagablab sa isang pusong nanaghoy.
Tahimik na humihikbi ang pagbabalik-tanaw,
ngunit isang lihim na digmaan ang pumapaimbulong
At umaasang
maisisiwalat.
Kung ito'y matatapos mararating ko
ang ngiting kay tagal
na inasam at kay tagal
na iyo'y
ipinagkait.
Legally Blunt's introvert mind expressed through her extrovert heart.
Sa Iyo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Elevator Groupie
We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...
-
My Doctrine of Transformation the life that i used to live will now be repealed by the path that im beginning follow. Future habits will o...
No comments:
Post a Comment