HAPPY BIRTHDAY CES! Kampay!

Kung meron man naging mas masaya kay Ces nung birthday nya, ako yun. Ito ay dahil sa lahat ng mga friends nya, ako ang nakapag-roundtrip sa panlilibre nya. How so? (tono ni “Snow White” na kilala lamang ni Ces at ng mga friends ko, sorry inside joke, may imminent danger kung sasabihin ko ang name nya) Well, kasi nun mismong araw ng birthday ni Ces na Friday, nilibre nya sa inuman ang kanyang mga college friends, and since I’m just in Starbs, natawag na rin nya ko para sa inuman. I was more than happy to oblige, dahil nga tigang na tigang kami sa alcohol [oo, kahit na kaka-party lang din namin last Saturday) Sabi nga namin,, “This is the LIFE!”. Nawawala ako sa kwento, anyway, we ended up drinking with the people of Section A. Actually I know most of ‘em na rin because we got introduced at one point in our lives in law school, but it’s always nice to get to know people while they’re drinking. Kasi nga ALCOHOL is a SOCIAL LUBRICANT. Oo, favorite ko sabihin un. Bakit? Kasi isa sya sa mga pinaka-totoong one-liners na alam ko.

San nangyari ang inuman? Saan pa kundi sa GOOD EARTH. Dahil na rin sa proximity at dahil mura lang ang beer doon. Pagdating ko pa lang, maganda na ang pambungad sakin ni Yves (err, Yves from Section A ito. FROM NOW ON if I am talking about my good friend-slash-blockmate, I shall call her Yvie… “FOR BREVITY”) ayun na nga ang pambungad ni Yves ay… “Si Eunice… naka-jackpot yan nun Saturday kay Ave.” Kaya, naisip ko na nawala lahat ang aking pinaghirapan na reputasyon (as if!) dahil simula noong INTO THE BLUE, I shall be remembered as the host who participated in the HUMAN AUCTION for AVE. Although aaminin ko na talaga namang yummy ang batang iyon, pero patuloy kong sasabihin na sadyang di namin pinlano na mag-bid sila na supposedly ay friends ko for my sake. Wala talaga akong naisip na ganun. I was thinking of taking him home for free. Bwahaha. Kidding! (Tono ni Jamie). So there, doon nag-umpisa ang inuman. Syempre pa present din ang aking dalawang “Most fave friends of Ces” na si Krisette at Carlo. Si Crisette dahil SOOOOOOOOOOOOBRANG perky sya. Si Carlo dahil hmm… BAGAY SILA NI CES. Hehe, kidding. Peace Ces ang Carlo! [uyy, parehong C… hmm…] Come to think of it, si Janna ay isa nang SOURCE OF JOY for me. Why? Subukan nyo tumambay kasama nya ng kahit isang oras lang kundi ka mapagod kakatawa. Marami kami napag-usapan tulad ng “LANGUAGE BARRIERS” ng Tagalog at Cebuano. Ayoko isulat ang mga pinag-usapan namin kasi medyo offensive. Diba Chinky? [SIDE KWENTO: Natutuwa ako kasi naalala ko bigla si DONALD NGWE kasi nun college sya un kilala ko na Chinky ang name dahil narin kay Jackie Magboo na binansagan syang ganun. La lang.] Masaya din kasama ang Section A, sabi nga namin ni Ces iba talaga ang nagagawa ng ALKOHOL, kumbaga daig pa nya ang ENGLISH bilang isang UNIVERSAL LANGUAGE. Nang malalim na ang gabi, biglang sumulpot si Chris Gaviola. Natawa nga kami kasi talagang sa inuman pa kami nagkita-kita bigla.

Ang masasabi ko lang, ibang klase talaga ang nightlife ng mga law students, kasi ang normal na nightlife, nag-uumpisa usually ng mga 10pm. Pero dahil sa law school ang bawat minuto ay mahalaga, nag-uumpisa na ang inuman ng mga 8pm (minsan 6pm pa nga !) at natatapos ng 10pm. 10pm ay katumbas na ng 2am sa totoong buhay. Tila-simulated na talaga ang buhay pag nasa law school ka. So there, natapos ang inuman ng 10pm pero si Carlo ay ayaw pa matapos ang gabi kaya we decided to go to Starbucks (bagong-bago!) para ituloy ang ligaya. Dinamay na rin namin si Ipe.

Nakaka-sad na na-carnap pala ang Pajero ni Ipe nun finals last sem. Talagang naapektuhan kami ni Ces, samantalang si Ipe parang NR na lang. [No Reaction, kung mejo di mo alam ang NR] Pero ano ang nakapagtuloy ng kasiyahan? Hindi ANO kundi SINO? Syempre pa si Janna. Opo si Janna. Dalawang linggo na nya ako pinapatawa. Ano nanaman ang ginawa nya? Well, noong una nagkaroon sila ng isang makulit na discussion ni Ces tungkol sa kanyang preference for uhmm, “TANNED GUYS” well, sabi nya BLACK daw, pero di talaga politically-correct kasi di naman BLACK technically ang mga guys nya. Kayumanggi lang. Nang nagkapaguran, bigla na lang nya dineclare na gusto nyo mag-choir at na magaling sya kumanta. Therefore… nag-marathon sya err nag-medley sya ng mga SONGS from MUSICALS. Laughtrip kung laughtrip. SO there. Dun na nagtapos ang gabi.

MUSIC 21 [Pag sinabi namin kakanta kami, KAKANTA KAMI!]

Pero ang official celebration namin ng birthday ni Ces ay nangyari last Saturday. Actually joint celebration ito with Kiboy. Matagal na kaming kating-kati na kumanta dahil ilang buwan din kami di nakapag-videoke, therefore GO kami sa MUSIC 21 sa Jupiter. Basta ilang araw bago iyon sinabi ko na ako ang first song dahil nga nagkaron ako ng EUREKA moment at talagang naisip kong gusto ko kantahin ang GENIE IN A BOTTLE ni Christina Aguilera. 2 ½ hours kami kumanta, bukod pa dun ay nag-umapaw ang SCREWDRIVER, MARGARITA, KAMIKAZE at [I forget] pati na rin ang FRIES, PIZZA, CHICKEN at FAVE ni KIBOY na NUTS.

Nakakatawa kasi naiimagine namin na any moment bigla na lang may magbubukas ng door namin at sisigaw ng… RAID! RAID! Ganun talaga un feeling, nakakatawa nga. Pero di naman pangit un place, in fact sulit na rin kasi for 10 people gumastos lang ng 3,300 for everything. SULIT na SULIT para sa mga taong katulad namin ang gusto lang ay maging MASAYA.

In the end, naging excuse namin for the WEEK ang birthday ni Ces. Pero maniwala man kayo sa hindi, after mag-videoke at after namin tumuloy sa Good Earth para ituloy ang inuman… tumuloy kami ni Ces sa Starbucks para mag-aral. Opo, at 10pm ay nag-aral parin kami ni Ces. Iba na talaga kami.

Malaki na ang pinagbago. Any chance we get, nag-aaral. Totoong law students na nga kumbaga. Thank you Lord. Basta HAPPY BIRTHDAY CES! [and Kibs]

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...