Huling hirit bago sumabak sa giyera... Sabi nga ni Kiboy, ang mga pep talk na naranasan namin these past few days ay ang klase ng pep talk na natatanggap ng mga sundalo. Un tipong, "Para sa bayan!" pero ang difference lang ang sinisigaw namin, "Para sa pangarap!" At siyempre, tulad ng mga nasa deathrow, kapag oras mo na, pinapakain ka muna.T'was an amazing night, we had a spontaneous block dinner thingie and i was reminded of how great it is to be a part of Batch 2009's Section C. Basta, just being here with all these talented and nice people makes me feel special and well, serene. Sayang nga lang at hindi nanaman kami binigo ng SUCKY SERVICE ng Dencio's. Argh...
Rewind. Kamusta ka naman Eunice? I have to be recognized for being able to go to school early in the morning for two consecutive days. Isa itong achievement. Sabi ko nga, di ito tama. Kanina, i was the first to arrive sa Starbucks, around 6:30 in the morning. (that's after going home at around 11pm the night before ha!) Minsan lang ako masikatan ng araw, at well, i-maximize sa pamamagitan ng pagsusuot ng shades.
We had our Theo Oral Exam. Kinarir namin. Talagang nagkaron pa kami ng "in-depth" pre-exam discussion as a group. Idol talaga namin si Fr. Mangulabnan, he inspires people. He kind of reminds me of my Creative Writing professor in UP. Basta. It's graet that there are people in the law school whose goal is to make the students feel like they belong. Ang pananaw ko kasi, di na kelangan i-pressure kami, the pressure that we feel daily is more than enough. Pero Lord, (disclaimer) di po ako nagrereklamo. Kaya ko pa (kakayanin ko kasama MO) ang pressure hanggang sa Bar Exam. All the WAY!Nagkaron naman kami ng "Gumuho ang mundo at nagsaklob ang langit at Lupa" moment ni Ces. Kasi pagkatapos ng paglalakad namin sa Sahara Dessert a.k.a. Starbs Loft to Ateneo ng matindi ang sikat ng araw para ayusin ang aming Test Permit, sa kakahintay namin kung dadating ba si Kuya Nino ay napansin namin ang isang papel na nakapost sa Registrar. At narinig namin na ito daw ay may kinalaman sa Appeals. Kabado ever. At dahil akala namin ay di na na-approve ang appeal namin,parang mejo nawalan kami ng gana. Argh. Muntik na ko magkaron ng nervous breakdown. Buti na lang false alarm.
Hehe, freecut sa Leg Writ. NO COMMENT.
Syempre meron pala ako "moment" with Ana's crushie koochi koochi cooo. Ana, maniwala ka, di ko sinasadya. Pero in fairness to you, maganda ang boses nya at gentleman sya. SInusuportahan kita sa iyong pagsinta sa kanya. Hay naku, kamusta naman ako? Isang taon na ko naghahanap ng human warmth? Well, di naman pala isang buong taon, may mga "GREAT KILIG MOMENTS" naman pala ako. Pero gets?Lord, ok lang po. Basta, samahan nyo lang ako sa FINALS solve na ko. (SIPSIP)
Nga pala, hinahamon ko si David, Jeno, Shelly, Jomaeto at Lea Abutan na makipagpataasan ng score sakin sa FINALS. Seseryosohin kaya nila ko? Bwahahaha... Gaya nga ng sinabi ni Kay, "Kung magkakaron kayo ng contract para patunayan yang pataasan nyo, ano ang status ng Contract na'to?" at ang sagot ko, "VOID! Kasi IMPOSSIBLE sya." Oh well Rockwell. Haha.
Kaya natin ITO! God... is good.
hi miss eunice, nice and informative posts! i'm bloghopping and just checking your blogsite. Keep the blogs rolling!
ReplyDelete