Buhay Ukay-ukay

Ang buhay pag-ibig minsan parang ukay-ukay talaga.

  • Pag sinusuwerte ka at matyaga ka makakahanap ka ng mga damit na talagang maipagmamalaki mo.
  • Minsan may makikita ka na gustong gusto mo, nagdalawang-isip ka kaya iniwan mo lang sandali... pagtalikod mo, may babae na dumampot na nun at sising-sisi ka na pinakawalan mo pa.
  • Minsan naman sa sobrang dami ng alikabok, bigla ka na lang mags-sneeze, pero kahit may allergic reaction na ang katawan mo, tuloy ka parin sa paghahanap kasi di ka nawawalan ng pag-asa na pag-uwi mo kasama mo un mga damit na bagay sayo.
  • Maraming ibang tao na nakakasabay mo sa paghahanap, un iba friendly, un iba "competitive", un iba naman mas swerte lang talaga sayo. Un tipong nauna ka naman dun sa pinaghahanapan nya pero meron sya makikita na di mo nakita dun sa rack na un.
  • May mga lugar din sa ukay ukay na di mo akalain na may makikita ka pa na ok na damit, un 4 for 100 pesos section o kaya un 10 pesos each tapos di mo inaasahan na un damit na makikita mo dun mas maganda pa kesa dun sa mga 50 pesos at 100 pesos.
  • Tapos pag napili mo na un mga damit, pag dinouble check mo, may makikita ka na mga defects na di mo napansin nun una. kelangan mo magdesisyon kung tolerable un defect nya o talagang di na pwede. Pag pwede, itutuloy mo parin ang pagbili nang may pag-aalinlangan pero pag nagdesisyon ka na di pede, lagi ka na ang aasa na sana may makita ka pa na kagaya nun o mas higit pa dun para mawala un emptiness na nararamdaman mo.
----------------
i feel so rejuvenated, i went ukayukay-hopping alone today and i found really cool tops. Plus, i finally got to shop for new accessories to update my now dull wardrobe. I'm ready to start reviewin for my Criminal Law exam on Thursday.

    No comments:

    Post a Comment

    The Elevator Groupie

    We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...