Ikaw,
Ipinaglaban kita, paulit-ulit na pumusta. Araw-araw na nangamusta, ngunit ang tapang ay paubos na.
Panahon na yatang maghiwalay. Manatiling naghihintay o kumaway na lamang na pang-habambuhay.
Patuloy na tatakbo ang ating buhay. Lalaban ang pusong pinilit na mamahay.
Patawad, sinta, ako'y napagod nang mabalot ng lumbay. Ang dating malakas na tibok ng puso ay kailangan nang patahimikin nang hinay-hinay.
Ito na ang katapusan ng umpisang hindi naumpisahan.
Ito na ang paglisan ng lihim na pangakong naging kalabisan.
Patawad kung wala nang mananatili, kahit ang pagkakaibigan na noong unang panahon ay sabay nating napili.
Aalalahanin ang ngiti, kakalimutan ang pighati.
Kay tagal rin na ako'y nagtimpi.
Ito na ang aking huling bati.
Ang dating permanenteng oo ay papalitan na ng siguradong hindi.
Ang babaeng hindi mo napili,
Ako

No comments:
Post a Comment