TAGUAN

Ako ang naturo sa'yo na mawala.
Kasama ng pag-asa na sabay nating
tataguan ang mapangahas na mundo.
Kasabay ng pagkukubli ay ang liwanag
na magpapatunay ng koneksyon na
matagal din nating isinawalang-bahala.

Ako ang nagturo sa'yo na mawala.
Kasabay ng pag-asa na sabay tayong
tatahak sa landas ng kawalan. At ngayon
hinahanap kita. Katulad ng paghahanap
na walang patutunguhan ito'y matatapos.

Ako ang nagturo sa'yo na mawala.
Kasabay ng pag-asa na sabay
ngingiti ang ating mga labi at papatak
ang luha na bunga ng kaligayahan.

Ako ang nagturo sa'yo na mawala.
Kasabay ng pag-asa na
mahahanap mo ako sa kawalan.

Ako ang nagturo sa'yo na mawala.
Kasabay.

Ako sa'yo.

Ako.

No comments:

Post a Comment

The Elevator Groupie

We are all made to believe that we should be headed in the same direction, inside a seemingly restrictive box that gives us free will a...