Kung hindi nyo trip ang cyber activism, huwag niyo gawin. Walang pumipilit sa inyo. Siguro nga, sa mata ng ibang perspektibo, napakaliit ng epekto nito kung ikukumpara sa ibang anyo ng aktibismo. Pero ang akin lang, kaya ko wall ito, at kaya ko profile ito ay dahil malaya akong sabihin at gawin ang gusto ko. Kung hindi ko pwedeng gawin dito, saan pa?
Kapareho lang yan ng kalayaan ng kahit sino na i-block o i-hide ang mga posts o tao na sa tingin nila ay nakakapagpapangit ng sarili nilang cyber-mundo.
Ang kalayaan, hindi man totoong hindi limitado, ay kalayaan na marunong rumespeto. Ang pagkumpara sa kung ano ang nagawa mo at nagawa ng ibang tao ay katulad ng pagsasabi na mas mabigat ang problema mo sa problema ng katabi mo.
Kaya nandito ang cyber-espasyo ay para bigyan ng boses ang mga taong hindi kayang makipagsabayan sa buhay na tinatawag mang totoo ay hindi naman masasabing mas totoo sa kung ano ang nakikita, nababasa, at nararamdaman sa nilikhang cyber-kalawakan na ito.
Walang basagan ng trip. Sabi nga ng MYMP, "Hindi lang ikaw, hindi lang ikaw ang nahihirapan."